16/03/2026
Kaya wag nyo syang iwanan...kasi mahal na mahal nya ang samBangagyang Filipinos, Dahil dyan siguradohin nya MAPA MAHAL ANG LAHAT, gaya GAAS at pangunahing bilihin🤑🤑🤑🤣🤣🤣🤣
MARCOS JR.: ‘WALANG IWANAN’ SA MGA APEKTADO NG PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS
Tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga sektor na apektado ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na dulot ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.
Sa isang video statement, iginiit ng Pangulo na patuloy ang paggawa ng gobyerno ng mga hakbang upang maibsan ang epekto ng paggalaw ng presyo ng langis sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
“Walang iwanan, walang maiiwan sa pagharap natin sa hamong ito. Asahan ninyo ang patuloy naming paggawa ng mga hakbang upang maibsan ang mabigat na epekto ng kaganapan sa Gitnang Silangan sa taumbayan.”
Ayon sa Pangulo, kabilang sa mga hakbang ng pamahalaan ang pagbibigay ng cash relief sa mga tricycle, jeepney, at TNVS drivers, gayundin ang fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda upang makatulong sa pagharap sa tumataas na gastos sa transportasyon at produksyon.
Ang mga programang ito ay bahagi umano ng mga hakbang ng gobyerno upang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa ekonomiya at sa kabuhayan ng mga sektor na direktang naaapektuhan ng mataas na presyo ng petrolyo.