24/01/2023
๐๐ข ๐๐ฅ๐๐๐ก ๐๐ฆ ๐ฌ๐ข๐จ ๐๐๐๐๐ก: ๐๐๐๐๐ก๐๐ก๐ ๐ฆ๐ข๐๐จ๐ง๐๐ข๐ก๐ฆ ๐ก๐ ๐ ๐๐ง๐๐ง๐๐๐ฃ๐จ๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ฌ
Sa dami ng mga cleaning solutions na matatagpuan sa mga pamilihan, karamihan dito ay nakakasama sa balat ng tao, at sa kapaligiran dahil sa tapang ng kemikal na mayroon ito. May kamahalan rin ang presyo ng mga cleaning agents na ito. Kayaโt narito ang ilang mga natural na panglinis na kadalasang matatagpuan sa inyong mga bahay.
๐ช๐๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ก๐๐๐๐ฅ ๐ผ ๐ฆ๐จ๐๐
Isa ito sa mga common condiment na makikita sa mga bahay. Isa rin ang s**a sa mga epektibong pang linis sa mga stovetops o lutuan, tiles, lababo, pang tanggal ng mantsa at amoy sa damit, at iba pa. Epektibo rin itong pang deodorize o pang paalis ng โdi kanais-nais na amoy sa inyong bahay. Maaaring ihalo ang s**a sa tubig, o sa tubig na may sabon para sa pang linis.
๐๐๐ ๐ข๐ก
Tulad ng s**a, ang Lemon o minsan ay pwede ring Calamansi, ay epektibong pampalinis ng bahay. Magandang ihalo ang lemon sa tubig at sabon sa paglilinis lalo na sa kusina. Ang lemon ay nakakatanggal ng mga amoy o odors sa lababo, basurahan, at sa kwarto. Pwede ring pigaan ng lemon ang mga chopping boards para matanggal ang mga amoy na naiiwan dito.
๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐ข๐๐
Karaniwang ipinapares ang Baking Soda sa Lemon o sa s**a bilang cleaning solution. Ang baking soda ay epektibo rin sa pampawala ng amoy sa mga refrigerators. Pwede ring gamitin ang Baking Soda sa pagtanggal ng mga sunog o burnt oil sa mga frying pans. Ibudbod lamang ang baking soda sa pan at lagyan ito ng mainit na tubig. Hayaan ng ilang minuto o oras, at pagkapos ay hugasan. Maaari ring gamitin ang baking soda at s**a sa pagtatanggal ng clogs o bara sa mga lababo o drains.
๐ฅ๐จ๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐ข๐๐ข๐
Ang rubbing alcohol ay epektibong nakakapatay ng mga germs, at may mas mababang epekto sa balat ng tao kaysa sa ibang cleaning agents. Maaaring maghalo ng rubbing alcohol sa pag lilinis ng sahig sa bahay ninyo para epektibong malinis at ma-disinfect ang inyong bahay. Pwede din gamitin ang mga rubbing alcohol na iyong ginagamit sa pang-araw araw para panglinis ng bahay.
Ilan lang ito sa mga natural cleaning solutions na pwede mong gamitin sa paglilinis ng bahay. Ang mga ito ay epektibo at mura lang na mabibili sa mga suking tindahan. Sigurado rin na hindi ito nakakasama sa kalusugan ng tao, at sa kapaligiran dahil walang kemikal ang mga ito.
๐ฆ๐๐ ๐จ๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐ข ๐๐ฅ๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐ฆ ๐ก๐ ๐๐ก๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฌ