29/10/2026
May dalawang wifi name ba ang router nyo, isang may "5G" at isang wala? Hindi yan sira, dalawang klase talaga yan.
2.4GHz: mas malayo ang abot at tumatagos sa pader, pero mas mabagal. Okay para sa kwarto na malayo sa router.
5GHz: mas mabilis pero mas maikli ang abot. Okay pag malapit ka sa router, pang streaming at gaming.
So kung nasa sala ka katabi ng router, mag 5GHz. Kung nasa dulo ng bahay, mag 2.4GHz.
Alam nyo na ba to dati? π€