13/06/2026
Paano Ingatan ang LCD ng Laptop?
1. Huwag idiin ang screen
> iwasang hawakan o pindutin ang LCD dahil madaling magka-dead pixel o magkaroon ng marks.
2. Isara nang maayos ang laptop
> hawakan sa gitna kapag isinasara upang maiwasan ang pressure sa screen.
3. Huwag maglagay ng bagay sa pagitan ng keyboard at screen
> kahit maliit na bagay ay maaaring makabasag o makagasgas sa LCD.
4. Linisin gamit ang microfiber cloth
> huwag gumamit ng tissue o mag-spray ng liquid direkta sa screen.
5. Iwasan ang matinding init
> huwag iwanan ang laptop sa loob ng sasakyan o sa direktang sikat ng araw.
6. Mag-ingat sa pagbubuhat
> gumamit ng laptop bag na may sapat na padding para protektado sa impact.
7. Buksan ang screen nang dahan-dahan
>huwag hilahin o buksan gamit ang isang sulok lamang.
8. Iwasan ang tubig at likido
> ang kahit kaunting talsik ay maaaring makasira sa LCD at internal components.
Tandaan:
Fragile ang LCD.
Pwede ma damage.
Pwede ma basag.
Ang LCD replacement ay isa sa mahal na laptop repairs. Mas mabuting mag-ingat kaysa gumastos.
Repost from techdaddy