19/07/2026
TECH ADVICE: TOTOO BA YUNG "80+ BRONZE" NA NAKALAGAY SA PSU MO?
Marami sa atin, basta may sticker na "80 Plus" o "Bronze," akala OK na. Pero sa totoo lang — hindi lahat ng may label ay totoong true-rated.
Bakit importante ang TRUE RATED PSU:
1️⃣ Consistent ang power output — hindi biglaan mag-shutdown o mag-restart ang PC mo kahit under load.
2️⃣ Mas mataas ang quality ng components sa loob (capacitors, transformers) — mas matagal, mas matibay.
3️⃣ May built-in protection laban sa surge, overvoltage, at short circuit — parang insurance ng buong build mo.
4️⃣ Tama talaga ang wattage na dineliver, hindi katulad ng mga cheap/fake-rated na nag-o-overstate ng capacity tapos nabibigla lang pag pinasok ng mabigat na gawain.
Isipin niyo, isang PSU lang yan pero kaya niyang isabay lahat ng parts niyo kapag nag-fail — GPU, motherboard, storage. Yung "tinipid" mo sa una, doble-doble babalik sakit ng ulo pag nasunog.
📋 Pwede niyo i-check ang PSU niyo dito:
🔗 Official list ng certified true-rated PSUs: https://www.clearesult.com/80plus/certified-psus/all-certified-psus
🔗 PSU Tier List (para malaman kung saang tier napapabilang ang model niyo): https://psutierlist.org/
Kung di sure kung true-rated ba yung meron ka o bibilhin mo pa lang — message us, tutulungan namin kayo pumili ng tama.