18/08/2026
📌 Bakit Important ang eKYC?
eKYC (Electronic Know Your Customer) ay proseso ng pag-verify ng tunay na identity ng customer bago mag-apply o gumawa ng mobile phone/SIM contract.
Sa madaling salita, tinitiyak nito na ang taong nag-aapply at pumipirma ng contract ay siya mismo ang tunay na may-ari ng identity.
Hwag ipagamit o ibenta ang phone na nakuha under your personal name para maiwasang masabit sa gulo
Ayon sa news na ito, sisimulan ng NTT Docomo sa darating na August 20 ang lalong paghihigpit sa personal identification ng mga customer nila na kukuha ng cellphone number, sa pamamagitan ng paggamit ng MyNumber or Driver License na meron mga IC.
Sa pamamagitan daw nito, makakasiguro sila na ang kumukuha sa kanila ng phone number at pumipirma ng contract ay talagang ang main person, at hindi ibang tao.
Nais nilang gawin ito dahil recently, dumarami pa din daw ang mga phone number na ginagamit sa mga scam, at maraming cases ang hindi naa-identify ang real person na kumuha at gumagamit nito.
Marami pa din daw ang mga taong pinapagamit o binibenta ang kanilang nakuhang phone number sa ibang tao kapalit ng malaking halaga, na ginagamit naman nila sa mga illegal activity or scam.
Pinapa-alalahanan nila ang kanilang mga customer na hwag na hwag daw gagawin ito dahil ito ay bawal sa batas, at malaki din ang possibility na madawit sila kapag nga ginamit ang phone number nila sa mga illegal activity kahit na hindi sila mismo ang gumagamit ng phone number na nakuha nila.
NOTE: We offer document translation (Tagalog, English, Nihongo), document creation (SPA, Affidavit, etc.), and application form printing. Send us a private message here if you need it.