18/08/2026
PUBLIC ADVISORY: IMPORTANT ANNOUNCEMENT SA ATING MGA VALUED SUBSCRIBER NG GARDEN VILLAGE HOMEOWNERS ASSOCIATION.
PAALALA SA LAHAT NG AMING VALUED SUBSCRIBERS: Nais po naming ipaalam na ang nararanasan ninyong matagal na interruption o kawalan ng internet connection sa inyong komunidad ay dulot ng isang sinasadyang mapanirang pagkilos o malicious interference sa ating mga pasilidad at linya na isinagawa ng mga mapanlinlang na elemento o kakumpetensyang entidad.
Ano ang Nangyari?
Napag-alaman at nakalap na po namin ang mga unang impormasyon na ang pinsala sa ating mga network infrastructure ay hindi accidental, kundi gawa ng mga taong may masamang hangarin para sirain ang ating serbisyo,reputasyon at guluhin ang inyong koneksyon.
Kasalukuyang Aksyon
1. Full-Force Repair Operations: Lahat po ng ating mga field technicians ay naka-deploy na sa iba't ibang apektadong lugar upang magtulungan sa pag-ayos at pagpapanumbalik (restoration) ng mga nasirang pasilidad sa lalong madaling panahon.
2. Intensive Investigation & Legal Action: Kasalukuyan na ring nakakolekta at patuloy na nangongolekta ng mga matibay na ebidensya, CCTV footage, at mga testimonya mula sa mga testigo ang ating legal team katuwang ang mga awtoridad. Hindi po natin palalampasin ito. Sasampahan natin ng kaukulang kaso sa korte ang lahat ng indibidwal, grupo, o kumpanyang mapapatunayang responsable sa iligal na paninirang ito.
Kapag nakumpleto na ang lahat ng dokumento at ebidensya, pormal at agarang isasampa ang mga sumusunod na kaso alinsunod sa ating mga batas:
• Republic Act No. 10515 (Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act) - Para sa sinasadyang paninira at paggulo sa mga pasilidad ng telekomunikasyon at internet network.
• Article 327 ng Revised Penal Code (Malicious Mischief) - Dahil sa sinasadyang pagkasira at pagkalugi ng ating mga kagamitan at ari-arian.
• Republic Act No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) - Para sa mga illegal na aktibidad na nagdudulot ng pinsala sa critical infrastructure at service interruption sa publiko.
• Civil Code of the Philippines (Article 20 & 21 on Human Relations, at Article 2176 on Quasi-Delict) - Para sa paghahain ng danyos-perwisyo, kabilang ang Exemplary Damages upang pagbayarin sila ng malaking halaga at magsilbing babala laban sa maduming kompetisyon.
Hinihingi po namin ang inyong pang-unawa at pasensya habang ginagawa namin ang lahat ng paraan upang maibalik ang serbisyo at mapanagot ang mga may kasalanan sa batas. Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala.
— Fiber Ni Wan - Angat Bulacan Management