24/08/2026
As promised, since mas matino ang mga otor pag nagsusulat, eto ang maayos na sagot sa mga katanungang sinubukan kong sagutin sa nakaraang event sa Sanctum Press
As an Author, Let’s Talk About Writing...
I am a person who can come up with a story almost anywhere.
Sa katunayan nga, ang working title ng Trans.Station ay ‘Isang Araw sa Estasyon ng MRT Mula Boni Papuntang Norhth Edsa’. Jeepney naman ang setting ng storya kong 'Gay's Anatomy', at sa MRT rin nagkatagpo ang main characters sa online novel kong 'Overrated'.
Madalas kasi, sa byahe ako nakakaisip ng kwento. At bakit hindi? Sa haba at tagal ba naman ng byahe? Marami ka talagang maiisip – maliban na lang kung may nakasaksak sa taenga mo at naglalaro o nanonood ka ng kung ano sa cell phone.
Kaya kung gusto mong makaisip ng kwento, tanggalin mo ang distraction.
May mga nagsasabi, hindi ka magiging magaling ng writer kung `di ka mahilig magbasa.
Totoo `yan, pero para sa akin, mas importante ang experience. Kahit hindi ka palabasa, kung marunong kang magmasid, maari kang gumawa ng napaka gandang nobela.
Kaya nga alisin mo ang nasa taenga mo, patayin ang apps sa cell phone, at tumingin ka sa iyong paligid. Makipag-usap ka, o pakinggan ang usapan ng mga tao, ang paraan ng pagsalita nila, ang mga bagong trends na nauuso. Importante `to kung gusto mong makipag-connect sa readers mo.
Ano ba kasi ang pag-susulat?
Hindi ba’t pagkukwento lang `yan kung anong nangyari?
Basically, ang writing at story telling ay iisa, pisikal lang at maraming technicalities ang pagsusulat kumpara sa pagkwento na laway lang ang puhunan.
Kaya nga sa pagsusulat, dapat alam mo ang tamang format, ang tamang gamit ng punctuation marks, at ang tamang spelling ng mga salita.
In short, you should first learn the basics.
Isang halimbawa nito ang paggamit ng action tags and dialogue tags.
Biro nyo, nakatapos ako ng 3 libro na nasa 200k o mahigit ang word count, tapos malaman-laman ko na mali pala ang gamit ko ng tuldok (period) at kuwit (comma), since I was never taught how to write dialogues properly.
Isipin nyo, kinailangan kong ayusin LAHAT ng mga naisulat ko nang libro (there were about 8 of them at that time). 😭
Kaya nga kung seryoso kayo sa pagsusulat, ang unang-una n'yo dapat gawin ay MAG-ARAL kung paano magsulat ng tama.
Ano na ang next step matapos mag-aral?
Syempre, magsulat!
Pero saan? Paano kayo magsisimula?
Gaya nang nabanggit ko, tumingin kayo sa inyong paligid.
Mas madaling magsulat tungkol sa mga bagay na alam na ninyo. Ikwento mo kung ano ang ginawa mo buong araw. Isama mo kung ano ang pinag-usapan n’yong magkakaibigan, pero imbes na simpleng sulat lang, ay bigyan mo ng dialogue ang mga tauhan sa kwento mo.
`Pag sanay ka na sa pagsusulat, pwede ka naman mag-imbento ng sarili mong mundo.
Pwede kang mag-isip ng characters at gumawa ng kwento sa paligid niya. O gaya ko, mag-isip ka ng plot, mag-imbento ng mundo, at saka ito punuin ng mga tauhan mo.
Ang mahalaga, masimulan mo ang kuwento at bigyan ang characters ng problema (rising action), at mag-isip ng paraan para maresolba nila ito.
Tapos ang storya!
Napaka simple, `di ba?
Actually hindi.
Dahil dito papasok ang tanong na, ‘Maganda ba ang kwento ko’ o 'Maayos ba daloy ng kwento' o ‘hindi ba ito boring’ at higit sa lahat, ‘matatapos ko ba ito’?
Kung gusto mong mahuli ang kiliti ng readers, dapat maka-relate sila sa kwento, lalo na sa mga charactes mo.
Gawin mo silang ‘tao’.
They need to connect with your characters by imagining themselves in their shoes. Bigyan mo sila ng limitasyon at kapintasan, then let them grow. Gumamit ka ng mga pamilyar na lugar at eksena mula sa tunay na buhay. (google maps can help a lot)
Eh, paano mo naman malalaman kung maganda ang kwento mo?
Aba’y ipabasa mo sa ibang tao!
Free editing at proof reading `yan!
Sa totoo lang, hindi nakikita ng authors ang mga mali nila, dahil either nakasanay na nila ito, o hindi nila alam na mali ito in the first place. Kaya nga kailangan mo ipabasa sa iba ang kwento mo para mahanap ang mga typo at errors. A different perspective, kumbaga.
Brown eyes na biglang naging blue sa sumunod na chapter?
Plot holes na `di mo napansin?
Technical terms o knowledge na hindi mo alam?
Lahat `yan pwedeng makita kung ipababasa mo ang kwento mo sa iba. That's how valuable constructive critisism is.
Pagdating naman sa plot, sa dami ng mga naglabasan nang libro, ay wala na raw halos ‘original’ na konsepto.
May ilan pa namang lumalabas na kakaiba, pero makikitaan pa rin ito ng tropes na common sa ibang mga sikat na nobela.
But even the tale of Red Riding Hood could be unique if you can write it in your own way.
Tandaan, sa dinami-rami ng tao sa mundo, iba-iba pa rin ang pinagdaanan ng bawat tao. And if you can incorporate your experiences in your writing, then you can also make a story that is uniquely YOU.
Kaya nga para sa akin, nothing beats first hand experience.
So, alam mo na ang basics, may kwento ka nang naisip, at nasimulan mo nang magsulat. Ang pinoproblema mo ngayon ay kung paano tapusin ito.
Personally, `pag nagsusulat ako, nag se-set ako ng schedule na kailangan kong sundan.
For example, my current schedule is...
send my son to school in the morning
work on the PC `till he returns
rest till dinner (since he uses the PC for homework)
get back on the PC to write (currently I’m translating and proofreading my old works)
go to sleep at midnight.
- That’s about 3-4 hours writing.
Kahit 1 hour a day lang, kung gagawin mo ito araw-araw, 7 hours na rin yun sa isang linggo.
Ang importante, may oras kang magsulat. At kung sadyang kapos ang oras n’yo dahil sa school/work, tandaan, pweded kang magsulat kahit saan.
Alala nyo yung sinabi ko sa umpisa?
Kahit sa traffic, pwede kang magsulat o mag-isip ng storya. You can simply take notes and write it down properly when you find the time.
At ngayon, natapos na rin ang nobela mo!
Congrats!
Publishing naman ang proproblemahin n’yo!
Tanong: May pera ka ba?
Naku, napaka dali lang n’yan!
Andyan ang Sanctum Press handa kayong tulungan! Ipa-self publish n`yo na `yan :D
Eh, pano kung wala?
Ay tamang-tama, kasalukuyang may call for submission ang Sanctum Press. (deadline: August 31)
Ipasa mo na `yan for traditional publishing!
Eh, ano nga ba pagkakaiba ng self-pub sa trad-pub?
Sa self publishing, ikaw ang sasagot ng lahat ng gastos para mai-publish ang libro mo. Ikaw rin ang masusunod sa lahat.
Pwede kang gumawa ng sariling cover o magbayad ng artist para gumawa nito. Pwede mong ipasa as-is ang novel mo, o ipa-edit at proofread ito para mas umayos at gumanda. Higit sa lahat, sa `yo rin ang lahat ng kita.
Ang down side lang dito, ay ikaw rin ang bahalang mag benta at mag promote ng iyong libro. (matrabaho yan promise)
Sa tradition publishing naman, ipapasa mo lang ang novel mo sa call for submissions ng mga publishing house. Babayaran ka ng kumpanya para i-publish ang iyong libro – KUNG mapipili ito.
Tapos noon ay, sila na ang bahala sa lahat – ang cover, editing, proofreading, pati pagbenta at pagpromote, at may royalties ka pang makukuha kapag lumampas sa certain amount ang sales ng libro mo.