09/08/2026
Lately ko lang naikwento kay abby yung struggle ko sa pagpasok noon sa dati kong company pag may bagyo. Anlala ng pagbaha sa Marcos Hwy saka sa ilang kalsada papuntang Eastwood.
Gabi-gabi pag monsoon season, papasok akong puyat cuz di nakakatulog ng maayos sa bahay dahil dami ding tulo sa bubong. Mababasa ng ulan sa commute, lulusong sa gutter deep na baha kung swerteng hindi gabewang ang tubig tas lalakad papuntang sakayan ng trike pa Libis or Rosario tas lakad papuntang office. Rekta sa air-conditioned space.
Isip isip ko nung mga time na yon "this is bu****it". Maiiintindihan mo din ako, pucha nagbabaha na sa Rizal at NCR tas wala man lang comms ang ops kung pwedeng mag dressdown. Ang gusto pa e mag baon nalang ng extra e wala namang shower room sa opis namin dati.
Gusto pa pumasok ka 2hours prior shift.
Hell nah man. Ni-survive parin naman eh ganon talaga e. Pero bro, ang traumatic, lalo nung time na truck ng bumbero nalang yung sasabitan mo para makatawid sa baha para lang pumasok. WTH man.
Hindi na nakakaproud isip isip ko, tho gusto ko yung adrenaline, di na makatao para sakin yung ganito. It's just that, the money I'm getting is good. Pero yung risk, pati yung idea na iiwanan ko magina ko sa gitna ng kalamidad. Napakahirap.
Fast forward ilang years, mas malapit samin yung trabaho ko ngayon. Pera parin naman ang habol kung bakit nagbubuwis ng buhay sa trabaho but much better. Wala na masyadong struggle sa ilang oras na commute at ligo sa ulan at existential crisis. Dadating ka sa opisina na fresh at may mainit na sabaw pang ready sa pantry. Pwede ka pa mag slide shift if late ka. No problem din sa dress code. Sobrang laki ng difference ng management which I will be forever grateful for. Shower. SQ. Libreng food. Shuttle service. Unplanned Leave. Pwede pa nga dun mag stay pamilya mo pag nagkanda leche leche na yung sitwasyon sa labas.
This ain't paid ads. Di rin para humimod sa kung kaninong tewup. Pero ganito dapat ang kultura ng mga trabaho sa Pinas. Sure there's a lot to improve, but this should be the future.