14/04/2026
Case Study: No Display Issue sa external
Asus X507UA
May dumating na client na may dalang Asus X507UA na may basag na LCD pero working ang internal display. Ang initial plan niya ay gamitin na lang ito sa external monitor isang simpleng workaround sana, pero naging challenge din sa actual testing.
Upon testing, walang lumalabas na display sa external monitor. Kahit tinanggal ang LCD flex upang i-force ang external output, ganun pa rin ang result. Nag perform din ng CMOS at RAM reset, at napansin na umiilaw ang capslock at numlock, indikasyon na may power ang system pero walang video output.
🔍 Initial Diagnosis Considerations:
• Possible HDMI port failure
• Possible issue sa integrated GPU
• Possible BIOS firmware corruption
Ipinaliwanag sa client na ang HDMI port repair ay nangangailangan ng board-level resoldering, na may kaakibat na risk. Fully informed ang client at pumayag sa proseso.
Napag-usapan din ang paggamit ng USB-to-HDMI solution Hub, ngunit hindi ito practical sa ganitong case dahil nangangailangan ito ng active display environment at drivers bago mag function.
🔧 Process:
Isinagawa ang step-by-step isolation ng possible causes. Sa huli, nag focus sa HDMI port at isinailalim ito sa resoldering process.
✅ Result: SUCCESS
Nagkaroon ng stable display output sa external monitor matapos ang repair.
Bilang dagdag serbisyo, isinama na rin ang:
✔️ FREE deep cleaning
✔️ FREE thermal paste replacement
Para masigurong optimal ang performance at longevity ng unit, lalo na’t limited ang budget ng client.
📌 Conclusion:
Ang tamang proseso ng diagnosis at transparency sa client ay mahalaga sa bawat repair. Hindi lang pag aayos ng unit ang goal, kundi pagbibigay din ng tamang solusyon na akma sa sitwasyon.
Kaya ikaw kung wala kang time pumunta pwede mo ipadala via lalamove/grab
Pin point 📍 Easyfix computer repair
゚