07/11/2025
⚠️ PAUNAWA SA POSIBLENG PAGKAANTALA NG INTERNET SERVICE ⚠️
Para sa Lahat ng Aming Minamahal na Subscribers;
Dahil sa paparating na masamang panahon at malakas na pag-uulan dulot ng ST Uwan, inaasahan po namin ang pansamantalang pagkawala o paghina ng serbisyo ng internet sa ating lugar simula November 8, 2025 ng umaga.
Ang pagkaantala ay sanhi ng posibleng pinsala sa mga linya at kagamitan dulot ng malakas na hangin at baha.
Mga Maaaring Epekto:
Hindi magagamit o mahina ang koneksyon sa internet (Wi-Fi/Data).
Maaaring maantala ang pag-restore ng serbisyo pagkatapos ng bagyo habang nagsasagawa ng inspeksyon at pagkukumpuni.
Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa sa anumang abala na idudulot nito. Sisikapin po namin na maibalik ang inyong serbisyo sa lalong madaling panahon kapag ligtas nang magsagawa ng trabaho.
Para sa mga katanungan, maaari po kayong mag-message sa 09175919961.
Keep safe everyone!