29/10/2026
Grabe na yung kaltas ni Black App!!! 😣🥺
More than 20% ng total revenue per quarter ang nababawas for platform fees. Kaya kahit gustuhin kong magbigay ng discount sa platform hindi talaga kaya.
Kaya reminder lang po to double check your order before checkout to avoid unnecessary returns. I understand that mistakes happen, pero may nagastos na rin kasi akong materials, packaging, oras, plusss effort. Sana huwag din po kayong ma-offend kapag nagtatanong ako kung bakit niyo nire-reject ang parcel. 🙂↔️ Personalized po kasi order niyo, hindi na po maibebenta sa iba. 🫥
And sana naman itaas na ang allowable deduction!!!! 😭 Ang hirap panatilihing affordable ang prices habang tumataas ang expenses. Sana mas bigyan ng consideration ang mga micro business owners. Hindi yung pinapatay niyo ang mga micro business sa mga anek anek na penalties! 🫤