14/02/2018
Nakatitig ako sa mga mata mong bintana ng kaluluwa.
Lumipas man ang mga dekada, alam kong nandoon pa rin ang saya.
Hindi mo man na ako makilala,
wala sa puso ko ang pag-aalala
Dahil alam kong ang tunay na pag-ibig
hindi basta nakakalimot at nawawala.
Kagaya ng mga sulat natin noon,
P.S Mahal kita