16/02/2025
Magandang Araw, Customers!☺️
Maraming-maraming salamat po sa lahat ng tumangkilik sa aming hand-crafted crochet flower bouquets at flower arranged bouquets nitong nagdaang Araw ng mga Puso.❤️
Nakatataba po ng puso na kami ay naging bahagi ng inyong pagcelebrate ng pagmamahalan at pagbibigayan. Ito man ay para sa inyong kasintahan, asawa, ina, ama, anak, kapatid, o kaibigan man. Ang inyo pong kwento ay tunay na nakatatak sa mga bulaklak na hindi maluluyos ng panahon.
Kaya naman sa mga nais pong magpagawa ng hand-crafted crochet flower bouquets, magmessage lamang po sa aming page, Zane Clyde Computer Shop, o kay Ma'am Ruiz. Ito po ay swak na pangregalo sa mga birthdays, graduation, anniversaries, Mothers' Day, Fathers' Day etc.
Note: Ang pagpost po ng mga pictures ng mga nag-avail ng flower bouquets ay mayroong pahintulot mula po mismo sa kanila.☺️