12/08/2026
AKALA NAMIN LCD LANG ANG PROBLEMA… PERO MAY PASABOG PA PALA SA LOOB. 😅📱💦
Kahapon, may dumating sa amin na cellphone na water damage. Gumagana pa naman ang display, pero may portion na ng LCD na napasukan na ng tubig at hard touch na rin.
Sa ganitong sitwasyon, madali sanang sabihin na: “Boss, palit LCD na po ito.”
Pero bago namin ideclare na kailangan nang palitan ang LCD, inofferan muna namin si customer na subukan nating linisin at baka sakaling maisalba pa ang original LCD.
Pagbukas namin ng unit, doon na namin nakita kung gaano karami ang tubig na nakapasok. 💦
May tubig sa mga FPC connector ng LCD, kaya maingat namin itong nilinis. May mga linya rin na mukhang naapektuhan, kaya nire-solder namin ang mga kinakailangang linya para subukang maibalik ang connection.
Pero sa kasamaang-palad…
Hindi na muling nag-display ang LCD.
Sa madaling salita…
NA-LASTOUCH PO TAYO! 😂
Kaya napilitan na tayong palitan ng bagong LCD. Matapos ang replacement, bumalik na sa normal ang display at touch, kaya natuwa rin kami dahil akala namin, solved na ang problema.
Sabi naman ni customer, babalikan na lang niya kinabukasan ang cellphone matapos niyang makita na working na ulit ang unit.
Pero kinabukasan…
Pagdating ng oras na kukunin na sana ni customer ang cellphone—HINDI NA NAMAN NAG-DISPLAY! 😭
Bagong LCD na ito, kaya alam naming may iba pang kailangang hanapin.
Binuksan ulit namin ang unit at nagsimula na naman ang troubleshooting. Upon checking, nakita namin na may isang linya na nawawala sa board na naging dahilan kung bakit hindi nagdi-display ang cellphone.
Kaya gumawa tayo ng paraan.
JUMPER! 🔧
Maingat nating inayos at jinumper ang nawawalang linya para maibalik ang connection.
At sa wakas…
BUMALIK ULIT ANG DISPLAY! 🙏📱✨
Gumagana na ulit nang maayos ang cellphone ni customer at maaari na niya itong magamit.
💦 Ganyan talaga kapag water damage ang kalaban.
Minsan akala natin simpleng LCD lang ang problema, pero kapag nabuksan na ang unit, doon mo makikita na marami palang posibleng naapektuhan—connector, linya, components, at maging ang board mismo.
Kaya hindi rin namin agad masasabi ang magiging resulta hangga't hindi namin na-iinspect at natetest nang maayos ang unit.
At malaking bagay din na mabait at understanding ang ating customer. Maayos niyang naunawaan ang bawat nangyari sa proseso at nagtiwala siya sa atin habang ginagawa natin ang lahat para maisalba ang kanyang cellphone.
Bilang pasasalamat sa kanyang tiwala, binigyan din natin siya ng warranty. ❤️
📱 Ikaw, ano ang pinaka-grabeng water damage na naranasan ng cellphone mo?
Nabasa lang? Nahulog sa tubig? Naulanan? O tuluyang nalublob? 😂💦
Comment mo lang sa baba at baka may kapareho kang experience! 👇