23/12/2025
GOOD MORNING, KA-ASKTECH!
May ilan na po sa amin ang nakapag-report na gumagana na ang KRISP sa bagong fixed version. Sa aking panig naman po, pareho lang ang naging procedure na ginawa ko—tuloy-tuloy ko po itong pinatakbo magdamag hanggang ngayon at sa ngayon ay maayos pa rin naman ang takbo.
Gayunpaman, base po sa feedback ng iba, may mga pagkakataon na bumabalik ito sa outdated version, at dito po kami hindi pa lubos na sigurado kung ano ang eksaktong sanhi ng issue.
Dahil dito, napagdesisyunan po namin na huwag muna mag-proceed sa paggamit ng bagong version sa mga bagong mag aavail, sapagkat sa kasalukuyan ay sobrang unstable pa po nito. Hindi rin po namin masabi kung kailan ito magiging stable muli, lalo na’t mas naging sensitive na ngayon si KRISP.
Dagdag pa rito, base sa aming obserbasyon, mas pinaigting na po ni KRISP ang mga restriction, partikular sa pag-prevent ng unlimited usage sa Marketplace, at pati ang Free Plan ay unti-unti na ring inaalis sa kanilang official website.
Dahil sa mga nabanggit na dahilan, mas minabuti po namin na maghintay muna ng mas stable at siguradong version bago muling magpatuloy, upang maiwasan ang posibleng aberya o problema sa paggamit. (IF MERON PA PONG ILALABAS NA VERSION, IF WALA NA PO TALAGA WALA NA RIN PO KAMING MAGAGAWA IF MAKONTRA NA PO NG OFFICIAL)
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.