24/02/2026
Sabi ng mga matatanda, kapag nanaginip ka raw ng ahas, may paparating na suwerte. Pero paano naman, kung gabi-gabi ay dinadalaw ng bangungot? Bangungot na hindi gawa ng kaisipan ng tao, ngunit bangungot na gawa ng mga salitang ibinabato.
Kaya sana, bago tayo maniwala, makisali, at magbato ng masasakit na salita, alalahanin natin na maaari itong maging suwerte sa puso ng iba o bangungot na palaging dala-dala.