30/10/2026
Vlog5.2: Paano Ako Nagkaroon ng Lakas ng Loob na Magnegosyo? Mula Employee Hanggang CEO
Paano ka magsisimula ng sariling negosyo kung may stable job ka na? Saan ka kukuha ng lakas ng loob para sumugal?
Sa vlog na ito, ibinahagi ko kung paano ko nabago ang mindset ko mula sa pagiging empleyado hanggang sa pagtatayo ng sarili kong IT company.
Hindi lang pera ang naging motivation ko, kundi ang mas malaking pangarap na makatulong sa pamilya, tech community, at higit sa lahat, mapalakas ang teknolohiya ng Pilipinas.
Para sa akin, mas nagiging matapang kang mag risk kapag mas malaki ang purpose mo kaysa sa takot mo.