Juan Sumulong High School

Juan Sumulong High School Official Multimedia Page of Juan Sumulong High School
18th Avenue, Cubao, Quezon City

Juan Sumulong High School achieved an impressive overall rating of 72.22% in the ALS A&E (Accreditation and Equivalency)...
27/08/2025

Juan Sumulong High School achieved an impressive overall rating of 72.22% in the ALS A&E (Accreditation and Equivalency) Examination and secured the top spot in the Elementary level, as well as a place in the Top 5 for the Junior High School level in Quezon City.

https://www.facebook.com/share/p/1KdbyQWM3B/Kung ang mga makina nga ay binibigyan ng sapat na oras para uminit bago gami...
03/08/2025

https://www.facebook.com/share/p/1KdbyQWM3B/

Kung ang mga makina nga ay binibigyan ng sapat na oras para uminit bago gamitin, bakit hindi rin natin bigyan ng ganitong konsiderasyon ang mga batang umaasang ang paaralan ay lugar ng pagkatuto, at hindi lugar ng tahimik na pagkapagod?

-Zyrene Lintag at Keziah Marie Macatingrao

๐‘ท๐’‚๐’”๐’๐’Œ ๐’‚๐’š ๐‘ด๐’‚๐’‚๐’ˆ๐’‚, ๐‘จ๐’๐’•๐’๐’Œ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฎ๐’‚๐’๐’•๐’Š, ๐‘บ๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’–๐’๐’†๐’๐’‚๐’•, ๐‘บ๐’Š๐’๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’š ๐‘บ๐’Š๐’”๐’Š?

Ikaw, kung susubukan mong paandarin ang isang sasakyang malamig pa ang makina, kahit pilitin mo pang apakan ang silinyador, hirap itong magsimula, mabagal ang takbo, at madaling tumirik. Gayundin ang sitwasyon ng maraming mag-aaral ng Juan Sumulong High School. Pinipilit na lamang gumalaw, makapag-isip, at matuto isang oras bago pa ang sinag ng araw. Katawaโ€™y hindi pa tuluyang gising, at ang utak ay tila naiwan pa sa higaan.

Habang ang ibang pampublikong paaralan gaya ng Jose P. Laurel High School ay nagsisimula ng alas-siyete ng umaga, ang mga Sumulongians ay tila napag-iwanan sa isang iskedyul na hindi alinsunod sa natural na ritmo ng kabataan.

Ayon sa datos mula sa isinagawang sarbey, karamihan ng mga mag-aaral sa Juan Sumulong ang naitalang mahirap at masyadong maaga ang ganitong oras ng pasok. Dagdag pa rito ang 37.5% na laging inaantok at pagod, habang kalahati nito ang naihayag na minsan lang inaantok ngunit kinakaya pa rin. Ito ay malilinaw na senyales na hindi balanse ang hinihinging enerhiya ng sistema sa tunay na kakayahan ng katawan ng kabataan.

Ang inaakala ng ilan na simpleng โ€œadjustmentโ€ lamang ay isa palang tahimik na pagsasakripisyo ng pisikal at mental na kalusugan. Sa murang edad pa lamang, tila yakap na ng mga kabataan ang puyat at pagod bilang karaniwang bahagi ng buhay-eskwela. Ngunit sa katotohanan, ito ay hindi dapat ituring na pamantayan kundi isang hudyat na kailangang muling suriin ang umiiral na iskedyul.

Ayon sa mga pag-aaral mula sa World Health Organization (WHO) at National Sleep Foundation (NSF), ang mga estudyanteng nasa edad 13 hanggang 18 ay nangangailangan ng 8 hanggang 10 oras ng tulog araw-araw. Ngunit kung alas-sais ng umaga ang simula ng klase, kadalasan ay alas-singko o mas maaga pa ang kanilang gising. Ibig sabihin, maraming kabataan ang kulang sa tulog araw-arawโ€”isang bagay na direktang konektado sa pagbaba ng akademikong performance, pagkakaroon ng anxiety, at pangmatagalang problema sa kalusugan.

Sa katunayan, hindi nakapagtataka na 75% ng mga Sumulongians ang nagsabing dapat nang baguhin ang oras ng pasok. Hindi na lamang itong pangkaraniwan na isyu ng "pagiging sanay", kundi ito ay walang duda nang pagkapagod, pagbagsak ng konsentrasyon, at higit sa lahat ay pangmatagalang epekto sa kalusugan ng mag-aaral.

Sapagkat kung mismong mga mag-aaral na ang umaamin ng kanilang pagkapagod, hindi baโ€™t nararapat lamang na pakinggan ang kanilang boses? Hindi sapat na sabihing โ€œsanayan lang iyan,โ€ kung ang kapalit naman ay pagkahapo at pagkaubos ng sigla ng kabataan.

Kung ihahambing sa Jose P. Laurel High School at sa ibang malalapit na pampublikong paaralan, makikita ang pagkakaiba, sapagkat lahat ng sumagot sa sarbey ay alas-siyete ang kanilang pormal na pagpasok. Nang tanungin sila kung sapat ba ito, ang ilan ay nagsabing sapat, habang ang iba ay nagsabing kulang pa rin o kayaโ€™y mas maayos kung mas ipapatagal ang oras ng pagpasok. Nang malaman nila na may mga mag-aaral na alas-sais ang simula ng klase, 66.7% ang naitalang masyadong maaga ito para sa kanila, kaparehong porsyento nito ang sumagot na babagsak ang pokus at enerhiya sa ganitong oras.

Mahalagang balikan ang layunin ng edukasyonโ€”ito ay hindi lamang upang magpasa ng papel o makakuha ng mataas na marka, kundi upang ihanda ang kabataan sa mas malawak na mundo. Ngunit paano ito maisasakatuparan kung mismong kondisyon nila sa pang-araw-araw ay taliwas sa kung anong kailangan ng isip at katawan upang matuto nang epektibo?

Maaaring sabihing nasanay na ang ilan, katulad ng 25% ng Sumulongians na nagsabing hindi na ito problema sa kanila. Subalit, sapat ba ang "nakasanayan" kung ang kapalit naman ay puyat, pagod, at panghihina ng katawan at isipan? Isa pa sa 25% na ang umaaming nahihirapang gumising, at may ilan pa ring palaging nahuhuli o hirap pa rin sa ganitong iskedyul.

Ang mga datos at salaysay ng mga mag-aaral ay malinaw na sigaw para sa pagbabago. Sa panahong sinisigaw natin ang kalidad na edukasyon, dapat ding isulong ang kalidad na kondisyon para sa pagkatuto. At magsisimula ito sa pagkilala na hindi lahat ng disiplina ay dapat sinusukat sa pagiging maaga. May disiplina rin sa pakikinig sa katawan. May disiplina sa pag-aalaga sa kalusugan.

Kung patuloy na ipipilit ang ganitong sistema, hindi lang katawan ang pagodโ€”pati pangarap ay maaaring mapundi. Ang batang puyat ay batang hirap matuto. Ang batang pagod ay batang hirap mangarap.

Hindi dapat kalimutan na bawat estudyanteng pumapasok nang puyat ay hindi lamang katawan ang pagodโ€”pati pangarap ay unti-unting nauupos. Hindi lang oras ng gising ang dapat tingnan, kundi ang kabuuang epekto nito sa emosyonal, mental, at pisikal na aspeto ng isang batang nagnanais matuto.

Dibuho ni: Bersones
Artikulo nila: Zyrene Lintag at Keziah Marie Macatingrao

"Kung ang mga makina nga ay binibigyan ng sapat na oras para uminit bago gamitin, bakit hindi rin natin bigyan ng ganito...
03/08/2025

"Kung ang mga makina nga ay binibigyan ng sapat na oras para uminit bago gamitin, bakit hindi rin natin bigyan ng ganitong konsiderasyon ang mga batang umaasang ang paaralan ay lugar ng pagkatuto, at hindi lugar ng tahimik na pagkapagod?"

๐˜ฝ๐™๐™†๐˜ผ๐™Ž ๐™‰๐˜ผโ‰๏ธHanda na ba ang lahat? ๐Ÿ˜ฏ Inaanyayahan namin kayong makiisa sa ๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ na gaganapin na ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€ sa at...
08/06/2025

๐˜ฝ๐™๐™†๐˜ผ๐™Ž ๐™‰๐˜ผโ‰๏ธ
Handa na ba ang lahat? ๐Ÿ˜ฏ Inaanyayahan namin kayong makiisa sa ๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ na gaganapin na ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€ sa ating paaralang Juan Sumulong High School! Halina't sama-sama nating ihanda ang ating mga silid-aralan para sa darating na pasukan๐Ÿ’ชโœจ
โ˜‘๏ธAnong maaari mong i-๐ƒ๐จ๐ง๐š๐ญ๐žโ”โ”
-Garbage/Sako Bags
-Cleaning Detergents
-Sanitation Materials
-Brooms/Dustpan
-Rags
-Floorwax
-Gardening Equipment
-Sanitation Materials
Munting paalala na ang registration ay magsisimula ng ika-6:00 ng umaga, at susundan ito ng opening program sa ganap na 7:00 a.m. ๐ŸŒป๐Ÿช
Kita kits Sumulongians! ๐Ÿงนโœจ

12/03/2025

Every day is a warzone for everyone as we try to adapt to changes and challenges. For so long, research has paved numerous paths to provide the answers and solutions for us to progress and conquer the unknown.

With this, we proudly present โœจ๐‘๐„๐’๐„๐€๐‘๐‚๐‡ ๐…๐Ž๐‘๐”๐Œ ๐Ÿ“.๐ŸŽ: ๐๐€๐‘๐€ ๐๐„๐‹๐‹๐”๐Œ โ€“ ๐€๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐Œ๐ข๐ง๐๐ฌ, ๐€๐๐ฏ๐š๐ง๐œ๐ข๐ง๐  ๐Š๐ง๐จ๐ฐ๐ฅ๐ž๐๐ ๐žโœจ. Join us as we revive the annual Research Festival at Juan Sumulong High School, where learners can showcase their findings from collaborative effort and hard work.

๐Ÿ“Œ๐Ÿ“…On ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ (๐…๐ซ๐ข๐๐š๐ฒ), witness the Final Defense of Grade 12 learners from Academic and TVL strands, with a special participation of Grade 11 STEM students, happening Face-to-Face and Live on the JSHS Official page!

Get ready to explore groundbreaking ideas, ignite meaningful discussions, and celebrate the power of research. The battlefield of knowledge awaitsโ€”see you there!๐Ÿ’ช๐Ÿ’ช๐Ÿ’ช

๐ŸŽฅCinematography by: Ed Andrie Tolentino - 12 HUMSS-B
Directed and edited by: Raffy N. Loay - 12 HUMSS-B

๐ŸŽฅโœจ Meet the Experts Behind the Success! โœจ๐ŸŽฅGet to know our esteemed External and Internal Panelistsโ€”the guiding forces sh...
12/03/2025

๐ŸŽฅโœจ Meet the Experts Behind the Success! โœจ๐ŸŽฅ

Get to know our esteemed External and Internal Panelistsโ€”the guiding forces shaping the next generation of professionals! ๐Ÿ’ก๐Ÿ“š Their insights, expertise, and dedication ensure a rigorous and enriching evaluation process for our students.

Stay tuned as learners showcase their valuable discoveries through inquiries, investigation and immersion only here at Juan Sumulong High School RESEARCH FORUM 5.0!

As we gear up through the power of inquiry, investigation, and immersion at Juan Sumulong High School RESEARCH FORUM 5.0, we are honored to welcome distinguished plenary speakers from prestigious universities who will inspire us with their research expertise. Their knowledge and experience will guide us in exploring discoveries, deepening our perspectives and understanding, and enriching our academic journey.

Join us this March 14 as they share their invaluable contributions to the field. Stay tuned for more details!

https://www.facebook.com/share/1F5wsGWkjR/
10/03/2025

https://www.facebook.com/share/1F5wsGWkjR/

STATEMENT OF MAYOR JOY BELMONTE

For years, the Masungi Georeserve has been a symbol of hope, demonstrating what community-driven conservation can achieve. Through reforestation, biodiversity protection, and sustainable ecotourism, the foundation has safeguarded vital ecosystems while inspiring countless individuals to take part in environmental stewardship.

We believe that the spirit of conservation and the urgent need to protect our dwindling natural resources must guide the way forward.

At a time when deforestation and climate change threaten our natural resources, we must not reverse decades of progress. We urge for open dialogue and collaboration to reach a resolution that upholds the rule of law while ensuring that conservation initiatives continue. Masungi stands as proof that restoration is possible when communities, organizations, and leaders work together.

Now more than ever, we must move forward with solutions that strengthen and sustain our forests, ensuring their protection for the well-being of our planet and communities.

๐Ÿ“–โœจ Celebrating World Read Aloud Day 2025 at Juan Sumulong High School! ๐Ÿ“š๐ŸŽ‰*  Students across all grade levels joined in t...
05/02/2025

๐Ÿ“–โœจ Celebrating World Read Aloud Day 2025 at Juan Sumulong High School! ๐Ÿ“š๐ŸŽ‰*

Students across all grade levels joined in the joy of storytelling, embracing the power of words to inspire, educate, and connect. Through read-aloud sessions, they explored new worlds, shared ideas, and strengthened their love for reading.

Let's continue to foster a culture of literacy and imaginationโ€”one story at a time! ๐Ÿ’™๐Ÿ“–

๐Ÿ“ธ Privacy Notice: The photos shared in this post have been taken with proper consent. We ensure that all images of minor students comply with privacy and data protection guidelines.

Address

18th Avenue
Quezon City

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+6383322022

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Juan Sumulong High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Juan Sumulong High School:

Share