12/11/2026
₱83.4-M PROJECTED BUDGET ALLOCATION PARA SA WVRAA MEET 2027 SA CAPIZ, TINALAKAY SA PROV'L LOCAL SCHOOL BOARD MEETING
Tinalakay ng Provincial Local School Board (PLSB) meeting ang nakalaang pondong aabot sa ₱83.4 milyon para sa pagho-host ng Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet 2027 na gaganapin sa Capiz.
Ito ang naging pangunahing paksa sa isinagawang ika-6 na PLSB Meeting sa mismong tanggapan ni Governor Fredenil H. Castro nitong Lunes, Nobyembre 10, 2026.
Ang nasabing pondo ay gagamitin sa iba't ibang gastusin at pangangailangan gobyerno probinsyal, mga Municipal Local Government Unit (MLGU), at Department of Education (DepEd) kaugnay sa pagdaraos ng kompetisyon.
Gayunman, maaari pa umanong magbago ang kabuuang halaga ng pondo depende sa magiging resulta ng talakayan at konsultasyon sa mga kinauukulang ahensya at stakeholder.
Inaasahan ding magsasagawa ng karagdagang konsultasyon at koordinasyon sa mga alkalde, municipal budget officers, iba't ibang ahensya ng pamahalaan at non-government organizations (NGOs) upang matukoy ang mga kinakailangang paghahanda at malinaw na maipamahagi ang mga responsibilidad.
Ayon kay SDO Capiz Schools Division Superintendent Dr. Roel Bermejo, CESO V, nais ni Governor Castro na makapag-iwan ng positibong impresyon sa mga atleta, coach, delegasyon at opisyal mula sa iba't ibang lalawigan sa Western Visayas.
Layunin din nitong maipakita ang kahandaan at kakayahan ng Capiz sa pagtanggap ng pinakamalaking kompetisyon sa larangan ng sports sa rehiyon.
PHOTOS: CPGCG
Follow us on Facebook: https://www.facebook.com/filvisioninc