11/02/2026
HEADLINE: 🚨 GANITO NILA NINAKAW ANG PERA MO: The "Real-Time" Phishing Trap 🚨
Nakakatakot pero totoo: While you are typing your password on a fake site, the scammer is logging into your REAL bank account at the exact same time. ⏱️💸
Tingnan ang infographic na ito. Ito ang "Anatomy of an Account Takeover." Hindi lang ito simpleng scam—high-tech ito.
Paano nila ginagawa? (The 3 Phases)
1️⃣ The Bait (Phase 1): May matatanggap kang email o text na may link. "Update your account" daw. Pag-click mo, kamukhang-kamukha ito ng bank website mo. Pero fake pala.
👉 Pag-type mo ng User ID at Password, send agad ito sa scammer via Telegram bot.
2️⃣ The Setup (Phase 2): Hihingin nila ang "Mother’s Maiden Name" o ibang security questions.
👉 Ginagawa nila ito para mapalitan nila ang password mo kung sakaling mabawi mo ang account.
3️⃣ The Trap (Phase 3 - The OTP Loop): Ito ang pinaka-delikado. Pag-enter mo ng OTP, sasabihin ng site na "Error" o "Invalid OTP."
👉 Bakit? Kasi ginamit na ng scammer ang unang OTP mo para pumasok sa tunay na bank app. Hihingi sila ng bago (re-send OTP) para sa transaction naman (pag-transfer ng pera). Akala mo error lang, pero nauubos na ang laman ng account mo.
⚠️ PAANO MAG-INGAT?
✅ Check the URL: Siguraduhin na tama ang spelling ng website. Mas mabuti kung sa Official App ka na lang mag-login.
✅ Wag Mag-Panic: Ang mga scammer, gusto nila magmadali ka. Relax. Call your bank using the number at the back of your card.
✅ NEVER Share your OTP: Kahit sa "bank employee" daw. Ang tunay na bangko, hindi hihingin ang OTP mo sa text o tawag.
👮♂️ ACTION TAKEN:
We are actively monitoring and investigating these schemes. If you encounter a site like this, report it immediately to the PNP Anti-Cybercrime Group.
📢 LIKE and SHARE this post para wala nang mabiktima sa pamilya at mga kaibigan mo!