01/08/2026
🎈 ✨ AUGUST NA! BIRTHDAY MONTH NG RLS PRINTING! ✨ 🎈
Hindi namin akalain na aabot kami dito. Bawat order, bawat tiwala, bawat customers lahat ‘yan biyaya ng Lord na nagpapatuloy sa amin. Nagsimula lang sa maliit na pangarap, at ngayon ay ganito na kalaki dahil sa inyo at dahil napakabait ni Lord sa aming maliit na negosyo.
Sana maging mabait ka sa amin, August! 🤍 Sana marami pang masayang celebration ang dumating sa inyong lahat, mas marami kaming pagkakataon na mapagsilbihan kayo nang maayos, at sana sobra-sobra ang blessing na dumating hindi lang sa trabaho namin kundi pati sa bawat pamilya at bawat isa sa inyo na nagbabasa nito. Sobrang laking karangalan namin na kami ang napili ninyong makasama sa inyong mga espesyal na sandali — mula sa binyag, kaarawan, graduation, at lahat ng masasayang alaala na gusto niyong itago.
We hold on to this promise as we welcome this new month: ““Kayang gawin ng Diyos ang higit pa sa lahat ng hinihiling o iniisip natin, ayon sa kapangyarihang kumikilos sa loob natin.” — Efeso 3:20
Maraming salamat sa pagsama sa amin, sa pagtitiwala, at sa pagpili sa RLS Printing para sa inyong mga memories. Hiling namin na mas marami pang magagandang alaala, sagot na panalangin, at masasayang ngiti ang mangyari ngayong buwan ng Agosto at sa mga susunod pa! 🥳💌