05/06/2026
Hindi ka gagaling kung hindi ka magte-take ng risk. At hindi naman ako magaling. I just manifested, trusted the process, and did my best.
Palagi akong may dalang kwento. Kwentuhan lang tungkol sa mga ganap sa buhay sa bawat meeting, tapos magugulat ka na lang na nagsisimula na pala ang design project.
Thank you, Lord, sa skills at sa lahat ng blessings. Ilang taon din akong nag-build ng self-confidence. Nagsimula ako sa pag-develop ng skills ko, lalo na sa mga bagay na mahina ako.
Mahina ako noon sa communication skills at takot akong humarap sa tao. Pero pinush ko ang sarili ko. Sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong magbago. Kailangan kong matutong kumausap ng tao, maging mas expressive at madaldal sa professional na paraan. Kailangan kong ipakita kung ano ang kaya kong gawin.
Kaya sa tuwing nagbubukas ako ng email at chine-check ang schedule ko para sa design consultations, isa lang ang nasa isip ko:
“Kaya ko!”
Marketing graduate ako, pero pagkatapos ng graduation, mas inuna kong buuin ang confidence ko at ang kakayahang humarap at makipag-usap sa mga tao.
Shinare ko ito dahil sa tuwing nakikita ng ibang tao ang effort ko, masaya ako. Pero minsan nakakaiyak din. Dahil sa bawat tahimik na oras ng pagod, puyat, at pagsisikap, unti-unting lumalabas ang resulta.
At para sa akin, sa dulo ng araw, ang makita mong unti-unting umaangat ang bunga ng pinaghirapan mo ay isa sa pinakamagaan at pinakamasarap na pakiramdam sa mundo.