18/03/2026
MGA SENYALES NA KULANG ANG INCOME 💸😟
1️⃣ LAGING NASA "PETSA DE PELIGRO" 📅
Wala pa ang susunod na sweldo, ubos na agad ang budget.
2️⃣ UTANG ANG PANG-TAPAL SA BASIC NEEDS 🧾
Pagkain, kuryente, o pamasahe — idinadaan na lang sa utang.
3️⃣ WALANG NAIPON KAHIT ANONG KAYOD 🐷
Kahit anong tipid mo, parang hindi pa rin talaga kasya.
4️⃣ NAHUHULI ANG BAYAD SA BILLS 💡
Madalas nade-delay ang renta, tubig, o kuryente.
5️⃣ HINDI HANDA SA BIGLAANG GASTOS 🚑
Kahit maliit na emergency lang, hirap na agad humanap ng pera.
6️⃣ NAGTITIPID NA KAHIT SA IMPORTANTE 🍽️
Binabawasan ang pagkain o gamot para lang mapagkasya ang budget.
7️⃣ LAGING STRESSED DAHIL SA PERA 😣
Halos araw-araw na iniisip kung paano ba makaka-survive.
8️⃣ HINDI NA MAKABILI NG GUSTO 🍞
Kahit tinapay na tag-singko, pinapanghinayangan mo pa kasi idadagdag mo na lang pambili ng ulam.
9️⃣ WALANG DUMADATING NA PARCEL 📦
(Wala nang pang-online shopping.)
🔟 WALA NANG SKIN CARE ✨
Isinasakripisyo na pati ang pag-aalaga sa sarili.
✨ REMINDER:
Ang pagkukulang ng income ay hindi kahinaan. Senyales lang ito na panahon na para humanap ng paraan — dagdag na pagkakakitaan, bagong skills, o mas maayos na pagpaplano sa pera. 💪📈