05/06/2026
🎮 GOOD MORNING MGA KA-RETRO! ☕🎮
Paalala lang po sa ating lahat, lalo na sa mga nag-aalok ng items sa Retrogamerph Store.
Kapag nagbebenta po kayo ng item sa amin, sana ay maisip din po natin na ang mga item na binibili namin ay ibinebenta rin namin sa iba. Buy & Sell po ang negosyo natin, hindi po ito para sa personal naming koleksyon o gamit.
Kaya naman kung ang presyo ng item ay ibabase lamang sa mga nakikita sa Marketplace, eBay, o ibang online listings, kadalasan po ay mahihirapan kaming kunin ang item. Hindi po dahil binabarat namin ito, kundi dahil kailangan din naming isaalang-alang ang mga gastusin sa pagpapatakbo ng negosyo.
📌 Tandaan po natin na:
✅ Kailangan din naming kumita sa item na bibilhin namin.
✅ Nililinis, tine-test, nire-repair, at sinisigurado naming maayos ang mga unit bago ibenta.
✅ Nagbibigay kami ng warranty sa karamihan ng aming items.
✅ May mga bayarin din tulad ng renta sa pwesto, suweldo ng nagbabantay, kuryente, internet, telepono, at iba pang operational expenses.
Sa pagpepresyo naman ng inyong item, magandang isaalang-alang ang tunay nitong kondisyon:
🔹 Maayos pa ba ang unit?
🔹 May issue o sira ba?
🔹 Kumpleto ba ang accessories?
🔹 May nawawala bang parts?
🔹 Naninilaw na ba ang plastic?
🔹 Working pa ba ang controllers?
🔹 Maayos pa ba ang mga wires at cables?
🔹 May mapapakinabangan pa ba ang susunod na may-ari?
Hindi po lahat ng lumang console o laro ay awtomatikong mataas ang halaga. Ang kondisyon, completeness, at functionality pa rin ang isa sa pinakamalaking basehan ng value nito.
Kung mapapansin ninyo, madalas kaming may mga post na "Bawas Kalat", clearance sales, o kaya naman ay Free Raffle Giveaways. Ang dahilan po nito ay dahil may mga pagkakataong nakabibili kami ng mga item na hindi na praktikal ibenta nang paisa-isa dahil sa kondisyon o demand nito. Imbes na masayang, mas pinipili naming ipamigay o ibenta na lamang nang murang halaga para mapakinabangan pa ng ibang ka-retro.
❤️ Maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa Retrogamerph Store. Salamat din sa inyong tiwala, pag-unawa, at sa pagiging bahagi ng ating lumalaking retro gaming community.
Tuloy lang tayo sa pagpreserba ng ating gaming history, isang console at isang laro sa bawat pagkakataon. 🎮🕹️